Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa pag-uudyok mo sa amin upang aming pasimulan ang gawaing ito, Ang mangalap ng mga tao upang ikaw ay lubos na makilala,
Hindi sa pag-aantay sa kanila,
Bagkus ay maging masigasig at masipag sa iyong ubasan,
Hindi kami dapat maging kampante lamang sa pag-aantay na sila'y lumapit sa Iyo,
Bagkus sila ay aming hanapin sa lubos ng aming makakaya saang dako man po sila.
Bigyan mo kami ng katatagan ng loob at lubos na pang-unawa
Upang matanggap namin ang pangungutya, panlalait at ang panliliit dahil sa Iyo Panginoon.
Dalangin namin na nawa ay tunay na marinig nila ang tawag mo,
Ikaw, bilang isang mabuting pastol.
Tulungan mo nawa kami sa gawaing ito. Bigyan Mo po kami ng kababaang-loob at saya,
Sa tulong ng Banal na Espiritu nawa ay mag-alab ang aming mga puso sa paglilingkod sa Iyo.
Ito ang samo't dalangin namin sa Iyo.
Amen.
Amen.
No comments:
Post a Comment